Bilang ng pamilyang ililikas sa posibleng pagputok ng bulkang Mayon, umabot na sa mahigit 11,000

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na umabot na sa 11,679 na mga pamilyang ang apektado at kinakailangang ilikas sa posibleng pagputok ng bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay APSEMO head Dr. Cedric Daep, ang nabanggit na bilang ng mga pamilya ay katumbas ng 43,344 na mga indibidwal.

Aniya, nagkakahalagang P300 kada araw ang budget para sa isang pamilya.

Gayunpaman, kung mahigit 11,000 ang mga pamilya, aabot sa P3M bawat araw ang gagastusin para lamang sa relief, at hindi pa kasama rito ang iba pang mga pangangailangan sa camp coordination and management.

Samantala, kinakailangan pa rin ang pagiging alerto at mas palakasin ang paghahanda para sa anumang peligrong dulot nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *