Bilang ng pasyenteng may mental disorder na inaalagaan ng Naga City Health Office umabot na sa 41  

NAGA CITY – May 41 pasyenteng may mental disorder ang ngayon ay regular na binibigyan ng medikasyon ng Naga City Health Office, mula sa buwan ng Enero at Pebrero ngayong taon.

Pinakabata sa mga ito ay 21 taong gulang na kung hindi agad nabibigyan ng gamot ay naglalayayas,nagiging palaboy at minsan ay nagiging bayolente pa. Ang worst scenario ng mga ito ay nagpapakamatay pa.

Ito ang  kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Magno Reyes, registered nurse at siyang mental health coordinator sa patuloy nilang pagtutuok at pagbibigay ng medical attention sa mga ito.

Sa pahayag ni Reyes, sinabi niyang kompleto naman sila sa gamot, mag presenta lamang ng mga reseta at agad nilang bibigyan.

Ang mga gamot nila ay once a day lang ang pag-inom subalit kailangan na regular o araw-araw para hindi sumpungin ng kanilang sakit.

Sa sitwasyong ito, tuloy din ang ugnayang ginagawa ng opisina ni Reyes sa mga barangay lalo na iyong may ganitong pasyente bilang kanilang paraan sa pag monitor sa kalagayan ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *