Binata, arestado sa drug buy-bust operation sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang binata matapos magpositibo sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 6, Brgy. Magurang, Polangui, Albay.

Kinilala ang suspek na si Mark Zulueta Cosa, 22 anyos at residente ng Brgy. Mendez ng kaparehong bayan.

Ayon sa report, gabi nang ikasa ng Polangui MPS kasama ang MARPSTA at PDEA Bicol ang anti-illegal drugs operation laban sa suspek.

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng dried marijuana na may timbang na humigit-kumulang limang gramo.

Narekober sa kanya ang isang nakatuping papel na kulay kayumanggi  na may lamang pinaghihinalaang “dried marijuana leaves” na may timbang na 15 gramo at nagkakahalagang PHP 2,400 at perang ginamit bilang buy-bust money.

Ang suspek at ang mga narekober na item ay dinala sa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *