Binti ng Buwaya, pangunahing sangkap ng Ramen sa Taiwan

Nitong nakaraan, sumikat ang tinatawag na Isopod at Frog Ramen kung saan talagang marami ang tumangkilik dito.

Dahil dito, napag-isipan ng ramen shop na Witch Cat Ramen Restaurant na sumabay sa ingay na ginagawa ng “Godzilla Ramen” na mayroong 40 iba’t ibang spices kung saan ang pangunahing sangkap din nito ay angnilagang binti ng buwaya.

Ayon sa may ari ng restaurant, natutuhan niya ito ng minsan siyang pumunta sa crocodile farm sa Thailand na talagang likas din ang paggawa ng crocodile soup.

Nagkakahalaga naman ito ng 1500 Taiwanese dollars o aabot lang naman sa 2 634 pesos ang kada serving nito. Bawal din umano ang magtira ng pagkain kun’di, pagmumultahin ang kahit na sino na hindi kainin o maubos ito.|WL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *