Obiena, nasungkit muli ang gintong medalya sa Asian Athletics Championships

NASUNGKIT muli ni Pinoy Pole Vaulter Ernest John Obiena ang gintong medalya sa men’s pole vault competition na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Naungusan ni Ej ang nauna niyang naitalang record na 5.71m noong 2019 matapos siyang makapagtala ng 5.91 meters. Siya rin ang tinaguriang kauna-unahang Pinoy athlete na nag-qualify sa 2024 Olympic Games na gaganapin sa Paris, France.

Ikalawa ang gold medal ni Obiena ng Pilipinas sa 2023 Asian championships matapos ang pangunguna ni Robyn Brown sa women’s 400-meter hurdles sa kanyang bilis na 57.50 segundo para sa bagong national record. ### RIZADEL LOPEZ Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *