Blake Griffin ng Boston Celtics, magre-retiro na sa basketball

Kinumpirma ng dating No.1 draft pick na si Blake Griffin ang kanyang pagreretiro sa basketball, wala pang isang taon matapos ang kanyang huling laro sa NBA.

Ayon kay Griffin, malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa kanya sa larangan ng basketball at hinding hindi niya ito ipagpapalit sa anuman.

Biro rin nitong excited na siya sa susunod niyang kabanata sa buhay, na inilarawan niyang “obligatory message” ng mga nagre-retiro.

Nangyari ang huling laro ni Griffin sa NBA noong 2022-2023 playoffs, sa laban Boston Celtics sa Atlanta Hawks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *