Pagsasara ng isang noontime show dahil sa kalugian, pinabulaanan

Pinabuluanan ng mga TV hosts na sina Tito Sotto at Joey de Leon ang mga napapabalitang magsasara na ang kanilang noontime show na Eat Bulaga!

Ayon kasi sa mga chismis, lumalaki na ang production cost ng show kaya’t hindi na nila kinakaya ang gastusin.

Giit ni Sotto, walang katotohanang nalulugi ang TVJ Productions Inc, at maglalabas sila ng kopya ng filed income tax return nila sa BIR upang patunayan ito.

Saad naman ni De Leon, baka naiinggit lang ang mga nagpapakalat ng balita dahil hindi sila kasali sa Top 5 longest-running show in the world.

Hinamon rin ni Joey ang mga nagpapakalat at sinabing “Uumabot lang kayo ng 15 years, baka luluhod ako sa harap niyo. Fifteen lang ha, hindi 50 years!”

Sa kabila ng mga patama ng dalawa, patawa-tawa lang si Vic Sotto at hindi nagbigay ng anumang pahayag hinggil sa isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *