‘Brand agnostic policy, dapat ipaliwanag pa ng husto sa seniors’- Solon

Dapat umanong ipaliwanag pa ng husto ng pamahalaan sa mga nakatatanda ang ‘brand agnostic policy’ na isinusulong sa gitna ng vaccination program ng gobyerno.

Ito ang panawagan ni Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo Ordanes dahil marami umano syang natatanggap na mga tanong kaugnay ng proposal na wag ianunsyo ang brand ng bakunang gagamitin sa vaccine centers. 

Ayon sa mambabatas, di ito nararapat lalo na’t marami pa ring mga Pilipino lalo na mga senior citizens ang mali ang pananaw pagdating sa usapin ng COVID-19 vaccines. 

Gayunman, nanawagan ang kongresista sa gobyerno na  paigtingin ang information drive tungkol sa mga benepisyong maibibigay ng bakuna. 

Mababatid na nilinaw naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na di ililihim sa mga recipients ang brand ng bakunang ituturok sa kanila at sasabihin pa rin pagdating ng vaccinees sa inoculation center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *