Brandon Vera, makakatapat ang isang Indian wrestler sa ONE: Dangal

Nakatakda na ang pagbabalik ni Brandon Vera sa ONE: Dangal matapos ang halos dalawang taong pagliban nito mula sa mga laban.

Nakatakda ang broadcast ng nasabing laban sa May 15.

Matapos ang unang talo ni Vera sa One Championship laban kay Aung La N Sang sa Tokyo noong 2019, ay itataya muli nito ang kanyang ONE Heavyweight World title laban sa Indian wrestler na si Arjan Bhullar.

Pangungunahan ng laban nila Vera at Bhullar ang limang undercard bouts.

Unang naitakda ang title-defense ng American-born fighter laban sa Indian wrestler noong nakaraang taon sa ONE Infinity II na gaganapin dapat sa Manila, ngunit naipagpaliban dahil sa pandemya.

Naglaan pa ng oras si Vera para alagaan ang bago niyang silang na sanggol sa Guam bago ito pumayag na labanan si Bhullar.

Noong 2015 pa hawak ng 43-anyos na si Vera ang ONE Heavyweight World Championship belt, at nadipensahan na niya ito ng dalawang beses laban kina Hideki Sekine at Mauro Cerilli.

Isang beses pa lang nakakalaban si Bhullar sa One Championship, kung saan ay nagwagi ito via unanimous decision sa laban nila ni Cerili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *