British lawmaker patay sa saksak habang papunta sa meeting

Patay matapos pagsasakin ang British lawmaker na si David Amess na isang miyembro ng Boris Johnson ruling Consevative Party.

Ayon sa report, nangyari ang krimen sa isang constituency meeting sa Methodist Church sa Leigh-on-Sea.

Sa report, naglalakad papasok sa meeting si Amess, 69 anyos nang atakehin ito at pagsasaksakin ng isang lalaki.

Sinubukan pang ma-revive ng emergency service si Amess pero idineklara itong patay kalaunan.

Isang 25 anyos na lalaki na sinasabing suspect sa pamamaslang ang naaresto ng mga otoridad kung saan pag-alamang isa itong British national na mayroong Somali heritage.

Nabawi sa suspect ang isang kutsilyo pero inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng krimen.

Kabilang naman sa iimbestigahan ng mga otoridad kung maituturing na act of terrorism ang nasabing krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *