Brooke Van Sickle ng Petro Gazz, pinangalanang PVL Press Corps Player of the Week

Sa ikaanim na pagkakataon sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference, nagtala si Brooke Van Sickle ng Petro Gazz ng bagong career-best.

Ito’y matapos niyang makapagtala ng 29 points, 23 attacks, 4 blocks, at dalawang aces.

Para sa kanyang all-around na pagganap, na nagbigay-daan sa Angels na makuha ang kanilang pangalawang panalo laban sa Creamline, pinangalan ang manlalaro bilang ikapitong PVL Press Corps Player of the Week.

Nalampasan ni Van Sickle ang kanyang sariling 27-point performance na naitala niya noong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *