Brooklyn Nets pasok na sa NBA playoffs

Sinelyuhan na ng Brooklyn Nets ang 7th spot ng 2022 NBA Playoffs sa eastern conference matapos talunin ang Cleveland Cavaliers sa play-in tournament,115 -108.

Muling bumida sa panalo ang dynamic dou na sina Kyrie Irving at Kevin Durant na kapwa nagtala ng double-double performance.

Humakot ng 34 points at 12 assists si Irving habang 25 points at 11 assists naman ang ambag ni Durant.

Unang umarangkada ang opensa ng Nets sa 1st half nang tambakan nila ang Cavs ng 20 puntos sa pamamagitan ng 9/9 shooting ni Kyrie.

Subalit gumawa naman ng counter-attack ang Cleveland kung saan naibaba nito ang kalamangan hangang 6 points dahil sa all-around performance ni Darius Garland na kumakada ng kabuoang 34 points.

Dahil sa panalo makakaharap ng Brooklyn ang no. 3 seeded sa east na Boston Celtics.

Kailangan naman talunin ng Cavs ang magwawagi sa pagitan ng Charlotte Hornets (9th) at Atlanta Hawks (10th) upang makapasok sa playoffs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *