Brownlee, bukas na sumali sa military reserve force, para maging naturalized Filipino

Handa umano si Barangay Ginebra Import Justin Brownlee na sumali sa Military Reserve Force ng Pilipinas para maging naturalized Filipino.

Ang pahayag ni Brownlee ay matapos na matanong ni Sen. Francis Tolentino kung handa nitong depensahan ang Pilipinas sa ibat-ibang kompetisyon at iba pang mga hamon, sa pagdinig ng Senado para sa kanyang citizenship.

Ayon sa two-time Best Import Awardee ng PBA, gagawin niya ang lahat makapasa lang sa Philippine Citizenship.

Sa ngayon, inaprubahan na ng Senate Panel ang panukalang batas na magbibigay sa kahilingan ni Brownlee na magkaroon ng Filipino Citizenship. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *