BSP Diokno: Bayanihan 3 wag madaliin; Pondo umaapaw pa sa Bayanihan 2

Naniniwala si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na hindi kailangang madaliin ang Bayanihan to Arise as One Act, o Bayanihan 3.

Para kay Diokno, marami pa ang pera sa ilalim ng Bayanihan 2, habang naghahanda na rin ang gobyerno para sa 2022 budget.

Giit ng BSP Governor, ang mahalaga umano ay ang utilization ng budget na available na sa Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act.

Mababatid na pagbobotohan rin ng Kongreso ang extention ng naturang pondo sa susunod na buwan, habang ang deliberasyon sa panukalang 2022 General Appropriations Act ay magsisimula na sa mga susunod na buwan.

Sinabi rin ni Diokno na maliban sa cash assistance na ibinibigay para sa mahihirap sa ilalim ng stimulus package ng gobyerno, sinisikap rin ng pamahalaan na magbigay ng mas maraming employment opportunities para sa mga Pilipino sa ilalim ng Build, Build, Build program. // MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published.