BSP: Masyado pang maaga para sukuan ang 6-7% growth projection

Nananatiling positibo si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno kaugnay sa economic growth, dahil umano sa gumagandang vaccination drive at infrastructure program.

Ayon kay Diokno, masyado pang maaga para sukuan ang 6-7% growth projection ng gobyerno, isang araw matapos maglabas ang World Bank ng lower forecast na 4.7% expansion para sa 2021.

Para sa BSP Governor, posibleng tinitingnan lang ng World Bank ang slow pace ng vaccination ilang buwan ang nakakaraan, pero bumibilis naman na umano ngayon ang vaccination program, dahil sa parami nang paraming suplay ng COVID vaccines.

Dahil dito, kampante ang opisyal na makakamit ng pamahalaan ang target na mabakunahan ang 50 milyong Pilipino pagdating ng Setyembre o Oktubre.

Dagdag nito, ang completion rin umano sa ilang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte administration ay magbibigay ng mas maraming employment opportunities para sa mga Pilipinong apektado ng pandemya. // MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *