BuCor-OIC Catapang, planong ilipat ang lahat ng Bilibid inmates hanggang sa 2028

Umaasa si acting Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang na maililipat na ang lahat ng mga inmates ng New Bilibid Prison (NBP) sa 2028, upang matugunan ang congestion problem sa pasilidad.

Ayon kay Catapang, na ang paglipat ng mga inmates sa Bilibid, ay five-year timeline na magsisimula ngayong taon at magtatapos sa 2028 o bago ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos.

Dagdag nito, nasa 16 regional prison facilities sa buong bansa ang kinakailangan para mailipat ang lahat ng mga persons deprived of liberty mula sa main state penitentiary, na sa ngayon ay mayroong 30,000 inmates mula sa 6,000 capacity.

Sa gitna nito, aminado ang acting BuCor chief ang naturang hakbang ay isang “logistical nightmare.”

Samantala, sa oras na mailipat na ang lahat ng inmates, ang site sa Muntinlupa ay gagawing government center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *