Bagong silang na sanggol himalang nakaligtas sa magnitude 7.8 na lindol sa Syria

HIMALANG matuturing ang nangyare  sa isang bagong silang na sanggol sa Northern Syria matapos na ma rescue ito sa naganap na massive earthquake sa Turkey at ilang bahagi ng Syria na may lakas na 7.8 magnitude  dahilan upang magdulot ng pagkasira at pagkaguho ng mga gusali sa naturang mga bansa.

Ayon sa mga Syrian Authorities habang kasagsagan ng kanilang pagresponde  bigla na lamang umanong may lumitaw na iyak ng isang sanggol sa ilalim ng isang debris sa bayan ng Jinderis, Syria,  nang kanila itong lapitan nakumpirma nilang nangagaling ang pag-iyak sa  isang bagong silang na sanggol.

Sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon, nakita nilang naka-kabit pa ang umbilical cord o pusod ng sanggol sa nanay nito na walang ng buhay dahil sa malakas na lindol. Napag-alaman din na ang naturang baby ay ang bukod tangin lamang nakaligtas sa kanyang buong pamilya dahil sa mga  gumuhong gusali.  

Samantala, matapos ang ginawang pag rescue sa sanggol, at sa masalimuot na nangyari, isang malusog na baby girl ang nakaligtas na kasalukuyan na ngayong na sa incubator ng isang hospital, habang inoobserbahan.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *