Business One-Stop Shop sa Koronadal Hanggang Enero 20 na lang

KORONADAL CITY – HANGGANG Enero 20 ngayong taon na lamang ang huling araw ng Business-One-Stop Shop sa Koronadal para sa mga nais mag-proseso ng kanilang business permit.

Ito ang panawagan ng city government upang maiwasan ang mga multa at surcharges sa mga hindi makakahabol sa deadline.Sa nasabing petsa ay mag-uumpisa alas-8:00 ng umaga at magtatapos naman ito alas 12:00 ng hating-gabi sa pagtanggap ng kliyente.

Nilinaw naman na sa regular days mag-uumpisa ang tansaksyon mula alas-8:00 ng umaga at magtatapos alas-7:00 ng gabi. Sa Sabado naman at Linggo ay bukas ang cityhall alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang Business One-Stop Shop sa Koronadal ay may layuning ma-organisa at mas mapadali ang pag-proseso ng mga kliyente na nais mag-renew o kumuha ng permit ng kanilang negosyo.

Sa ngayon ay mas pinadali na lamang sa tatlong proseso ang hakbang na gagawin ng kliyente dahil sa presensya ng lahat ng mga tanggapang pinagkukunan ng lahat ng mga rekisitos na kakailanganin sa pagkuha ng business permit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *