Business permit ng Alcedo Café sa Tambak, New Washington, posibleng babawiin dahil sa ilang mga paglabag

Posibleng babawiin ang business permit ng Alcedo Café na inaprobahan ng Tambak Barangay Council matapos madiskobrehan na may mga paglabag sa operasyon.

Sa interview ng BRIGADA News FM Kalibo kay Brgy. Capt. Lucille Macario, nakasaad sa resolution ng Barangay Council na kung hindi sumynod sa ordinansa ay may posibilidad na babawiin nalang ang permit.

Nag request ang mga barangay kagawad na ipasarado nalang ang nasabing Café dahil ang lisensya ay isang restaurant at café subalit bar ang operayon.

Aminado si Macario na hindi sila tinitingnan bilang opisyal ng barangay na ipinaabot na kay New Washington Municipal Mayor Jessca Panmbo.

Lumabag din sa time limit ang operasyon ng Alcedo Café na umaabot sa alas 12:00 sa hating gabi hanggang alas 2:00 ng medaling araw nga malinaw na pag-labag sa ordinansa. //MARIVIC Y. ILIN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *