Camarines Norte IMT hnikayat ang mga LGU’s na magpalabas ng public advisory ng kasalukuyang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan

CAMARINES NORTE- Hinihikayat ngayon ng Camarines Norte Incident Management Team ang lahat ng mga Lokal na Pamahalaan na magpalabas ng mga Public Advisory ng mga kasalukuyang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan

Sa isinagawang operational Period Briefing, nagpahayag ang IMT na iilang bayan lamang umano ang agad na nagbibigay ng mga Public Advisory

Tanging ang bayan ng Daet, Basud at Vinzons anya ang agad nagpapalabas ng mga karagdagang detalye at impormasyon ukol sa COVID-19 patients ng kanilang bayan

Hindi naman ipinaalama ang pangalan ng nagpositibo kundi yaon lamang impormasyon na makakatulong upang ang publiko ay makaiwas at makapag-ingat.

Kahapon sa ulat ng ipinalabas ng DOH Bicol, nakapagtala muli ang lalawigan ng Camarines Norte ng 15 panibagong kaso kung saan naitala ang 7 bagong kaso sa bayan ng Daet, 4 mula sa Basud at tigdalawang bagong kaso ang bayan ng Mercedes at San Vicente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *