Canadian PM Trudeau, naturukan na COVID-19 vaccine

Natanggap na ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau at ng kanyang asawa na si Sophie ang kanilang unang dose ng COVID-19 vaccine.

Sinabi sa ilang ulat na AstraZeneca ang brand ng bakuna na ginamit sa Candian prime minister.

Sa isa namang post sa social media ay sinabi ni Trudeau na ikinatuwa nilang mag-asawa ang pagpapabakuna.

Nagpasalamat naman ang prime minister sa lahat ng mga healthcare workers partikular na sa mga kasama sa vaccination program.

Ayon kay Trudeau, hindi nito malilimutan ang trabaho na nagawa ng healthcare workers para sa kanilang bansa.

Samantala, base sa tala ng Johns Hopkins University ay umabot na sa mahigit 1.17-million ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Canada kabilang na ang mahigit 1.06-million recoveries at 23,861 death toll.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *