Canadian vlogger, nanumpa sa Kamara upang maging Pilipino

Opisyal nang nanumpa ng “Oath of Allegiance to the Republic of the Philippines” ang foreign vlogger nasi Kyle Jennermann o mas kilala bilang Kulas.

Ayon kay Kulas, ang pag-convert niya bilang Pilipino ang isa sa mga pinaka importanteng parte ng kanyang buhay.

Ginanap ang kanyang panunumpa sa House of Representatives sa harap ni Congresswoman Len Alonte ng Biñan City, Laguna.

Si Alonte rin ang  principal author ng House Bill 7185 o “An Act Granting Philippine Citizenship to Kyle Douglas Jennermann.”

Sumikat ang Canadian-born vlogger dahil sa kanyang YouTube channel na “Becoming Filipino” kung saan pinapakita niya ang kanyang pagmamahal sa kultura ng ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *