Car plates mula 2014 at motorcycle plates mula 2018 sa Bicol, pwede nang makuha—LTO

BICOL—Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) Bicol na pwede nang makuha ng mga car owners ang kanilang registration plates mula 2014 at maging ang mga motorcycle plates na mula 2018.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Regional Director Francisco Ranches Jr., inihayag nito na nasa kabuuang 57,727 na mga plaka ng 4-wheeled vehicles ang natanggap ng kanilang opisina.

Sa bilang na ito, 21,197 umano ang hawak ng mga dealers habang 21, 388 ang natitirang plaka ngayon sa LTO. Dahil dito ay tuloy-tuloy na ang plate distribution.

Samantala, nasa 146,663 naman na mga plaka ng motorsiklo mula 2018 ang kanilang natanggap mula sa central office.

28,667 nito ang hawak ng mga dealers habang 52, 795 ang hawak pa ng kanilang opisina o 64% ng distribution rate.

Ipinaliwanag din nito kung bakit natagalan ang pagdating ng mga plaka na anya ay dahil sa ipinataw na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema matapos ang naging usapin sa bidding.

Sa ngayon anya na lifted na ito, asahang magtu tuloy-tuloy na ang plate distribution lalo pa at mayroon na ring sariling plate making machine ang kanilang central office.

Sa mga nais kumuha ng kanilang plaka, maaaring magtungo sa tanggapan ng LTO o kaya sa mga dealer at ipakita lamang ang certificate of registration o magpresenta ng authorization mula sa may-ari kung sila naman ay napag-utusan lang

Maaari rin umanong mag-iwan ng direct message sa kanilang facebook page at ibigay ang kanilang MV file number at detalye ng registration upang mabilis na maiproseso.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *