Carlos Yulo, nasungkit ang ginto sa World Cup sa Qatar

Nakuha ng Filipino Olympian na si Carlos Yulo ang gintong medalya sa parallel bars final ng 2024 FIG Artistic Gymnastics Apparatus World Cup series sa Doha, Qatar.

Nagtapos si Yulo sa iskor na 15.200, kung saan naungusan niya si Hung Yuan-Hsi ng Chinese Taipei at Caio Souza ng Brazil.

Bago pa ito, napanalunan din niya ang silver placement sa men’s vault final matapos umiskor ng 15.066, habang ang nakakuha naman ng ginto ay si Artur Davtyan ng Armenia.

Si Yulo ay kabilang sa tatlong Filipino gymnast na kwalipikado para sa Paris Olympics, kasama sina Aleah Finnegan at Levi Jung-Ruivivar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *