Catriona Gray at Sam Milby, namataang sweet sa isang birthday party

Tuloy na ba ang kasal? Ito ang katanungan ng mga netizens matapos namataang magkasama sina Catriona Gray at Sam Milby sa isang birthday celebration.

Sa Instagram Stories ng isa nilang kaibigan na um-attend sa parehong party, nakitang magkatabi at parang sweet ang dalawa.

Sa ngayon, hindi pa rin nagbibigay ng update ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon, matapos nilang aminin na may hinaharap silang problema sa kanilang relasyon.

Ngunit sa kabila nito, saad ng dalawa na pareho naman nilang nireresolba ang kanilang mga problema.

Naalalang kumalat noon ang mga bali-balitang break na daw ang dalawa at wala ng kasal na magaganap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *