Cash incentives sa Latin Honor grads, ibibigay na taun-taon ng LGU-Castilla

Magiging taunan na ang pagkilala sa mga Castillanos na nagtapos ng kolehiyo na may Latin Honors dahil sa naipasang Municipal Ordinance 08-2022 na pangunahing isinulat ni SK Municipal Federation President na si Girlie Biolena.

Sa panayam ng Brigada News kay Castilla Mayor Isagani ‘Bong’ Mendoza, una nang sinabi nito na magbibigay ang LGU ng incentives sa mga Latin Honor graduates bilang pagkilala sa malaking karangalan na kanilang natamo hindi lamang sa kanilang pamilya kundi maging sa kanilang bayan.

Noong Biyernes ay may kabuuang 71 Castillanos na nagtapos sa kolehiyo na may Latin Honors ang nakatanggap na ng kani-kanilang incentives mula sa LGU na pinangunahan ng alkalde.

Kinabibilangan ito ng apat na Magna Cum Laude na sina: Sarah Berwega ng Cumadcad na nagtapo sa SSU; ang dalawang nagtapos sa BU na sina Jessa Marchan ng San Vicente at Granna Mendizabal ng Cumadcad at si Kristel Ludangco ng Cumadcad na nagtapos sa Ago Medical College.

May 67 Cum Laudes naman ang naitala ng LGU na nakatanggap din ng cash incentives.

Sinabi naman ng otor ng ordinansa na si Biolena na ginagawa na ng SK Federation ng Brgy San Isidro ang pagbibigay ng cash incentives sa kanilang graduates with Latin Honors kahit maliit lang ang halaga nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *