‘Catastrophic consequences’ ibinabala ng US sa Russia kapag gumamit ng nuke weapons sa Ukraine

Nagbabala ang United States ng “catastrophic consequences” sakaling gumamit ang Moscow ng nuclear weapons sa Ukraine, matapos sabihin ng Russia’s foreign minister na magsasagawa sila ng widely-criticized referendums para makakuha ng full protection.

Ang botohan ay gagawin ng tatlong araw para sa apat na eastern Ukrainian regions, na layung maibalik sa teritoryo ng Russia na pwersahang nakuha.

Kaugnay nito, maaring gawin ng Russian parliament ang formalization ng annexation sa loob ng ilang araw.

Sa pamamagitan umano ng pag-incorporate ng Luhansk, Donetsk, Kherson at Zaporizhzhia sa Russia, makakagawa ng hakbang ang Moscow para muling makuha ang mga ito sa pamamagitan ng sariling pag-atake ng Russia, na isang babala oara sa Kyiv at Western allies nito.

Giit naman ni US National Security Adviser Jake Sullivan, na handang tumugon ang United States laban sa anumang uri na pag-gamit ng Russia ng nuclear weapons laban sa Ukraine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *