CCTS ng So.Cot, hindi useless ayon sa IPHO

KORONADAL CITY- HINDI useless ang COVID 19 Contact Tracing Sytem o CCTS na ipinatutupad sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ang inihayag ni provincial health officer Dr. Rogelio Aturdido Jr sa gitna ng mga komento na walang pakinabang ang CCTS dahil manual contact tracing pa rin ang ginagamit ng mga contact tracers.

Paliwanag ni Aturdido na isang tool ang CCTS na nakatulong at ginagamit ng mga manual contact tracers sa pag-trace sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID 19.

Dahil din sa CCTS, napapadalhan ng mensahe ang mga possible contact ng isang nagpositibo na sumailalim sa self-monitoring o self-quaratine.

Binigyang diin nito na dapat ay magkatuwang ang CCTS at manual contact tarcers.

Ayon kay Aturdido na ang problema ngayon ay ang kakulangan sa mga contact tracers.

Sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) 1:800 ang ideal ratio ng contact tracers sa populasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *