Celebrity couple Demi-Leigh at Tim Tebow nasa PH para sa pagtatayo ng shelter sa mga batang biktima ng sexual abuse

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang celebrity couple na sina Demi-Leigh at Tim Tebow para sa ground breaking ceremony ng Compassionate Hope Tebow Village.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ng dating Miss Universe na nagpapasalamat sila ni Tim sa pagpapatayo ng kanlungan para sa mga batang naligtas mula sa child sexual exploitation.

Ang itatayong shelter ay magiging tahanan ng 80 mga batang nasagip mula sa pang-aabuso na isa sa plano ng dating beauty queen sa kanyang 27th birthday campaign noong nakaraang summer.

Sa naunang post, sinabi ni Demi na isa ang Pilipinas sa mga paborito niyang lugar.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *