Iya Villania at Drew Arellano, nagpahiwatig sa pagkakaroon ng ‘one more’ baby

Hindi pa umano tapos ang Team Arellano sa pagdaragdag ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Ginulat ng celebrity couple na sina Iya Villania at Drew Arellano ang kanilang mga fans sa Instagram nang mag-asaran sa video tungkol sa pagkakaroon ng ikalimang anak.

Ang dalawa ay may apat na anak na sina Antonio Primo, 5; Alonzo Leon, 3; Alana Lauren, 1, at Astro Phoenix na isinilang ilang buwan lang ang nakalipas noong June 4, 2022.

Sa magkasunod na pinagsamang Instagram reels na kanilang ipinost, binansagan nina Iya at Drew ang kanyang mga bersyon ng iconic line ng karakter ni George Clooney na si Danny Ocean sa pelikulang Ocean’s Eleven.

Ang audio ay ang mga sumusunod:

“Do you think we need one more?”

“Do you think we need one more?”

“Alright, we’ll get one more.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *