Celine Dion inanunsyo ang paglalabas ng mga bagong kanta

Inanunsyo ni pop diva Celine Dion ang pagpapalabas ng mga bagong kanta matapos na dumanas ng pambihirang neurological disorder na nakaapekto sa kanyang pagkanta.

Ang bagong album na “Love Again” ay ang soundtrack para sa isang pelikula na may parehong pangalan at naglalaman ng limang bagong kanta pati na rin ang kanyang mga nakaraang hits.

Taong 2019 pa huling naglabas ng album niyang “Courage” ang 55-anyos na Canadian.

Matatandaang noong Disyembre, nag-post ng video sa Instagram si Dion para sabihin na na-diagnose siya na may Stiff-Person Syndrome at hindi pa siya handang simulan ang kanyang European tour.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *