Centino, inikutan ang bagong EDCA site sa Balabac, Palawan

Inikutan ngayong araw ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Andres Centino at ilan pang matataas na opisyal ng militar ng bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa Balabac, Palawan.

Itatayo rito ang imbakan o warehouse ng humanitarian assistance at disaster response equipment at supply sa ilalim ng EDCA.

May barracks din na itatayo para magamit ng mga sundalong amerikano at Pilipino na magagamit tuwing may military exercises o sakuna.

Binisita din ni Centino ang ginagawang pier malapit sa Naval Base Narciso del Rosario, na isa sa mga natukoy na proyekto sa ilalim ng EDCA.

Isang runway ndin ang ginagawa sa isla na napapaloob sa 300 ektarya ng Balabac island airbase. Ang DPWH ang nagpopondo sa airstrip na bubuksan din sa commercial air traffic dahil sa malaki kasi tourism potential ng Balabac.

Bukod sa Balabac, binisita rin ni Centino ang Antonio Bautista Air Base in Puerto Princesa.

Ang air base ay kabilang sa limang existing EDCA sites sa bansa.

Tatlong proyekto ng EDCA ang natapos na rito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *