China, dinepensahan ang mga dangerous maneuvers ng CCG sa pinakabagong resupply mission ng bansa

Muling iginiit ng China ang kanilang ng pag-angkin nito sa Ayungin Shoal matapos ang pagtutol sa pinakabagong resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre.

Inihayag ng tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG) na si Gan Yu na ang dalawang supply ship at 2 coast guard vessel mula sa Pilipinas ay nanghimasok sa katabing tubig ng Ren’ai Reef sa Nansha Islands ng China nang walang pahintulot sa kanilang gobyerno.

Dahil dito, mahigpit nilang binalaan at sinubayabayan ang mga sasakyang pandagat ng bansa alinsunod sa kanilang batas, na nagresulta sa mga mapanganib na maniobra.

Dagdag pa ni Gan, patuloy na magsasagawa ang CCG ng mga aktibidad sa pagpapatupad ng batas sa mga sea areas na sumasailalim sa hurisdiksyon ni China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *