China inakusahang nasa likod ng massive hacking sa email system ng Microsoft

Inakusahan ng America at iba pang kaalyadong bansa sa Europa ang China na nasa likod ng massive hacking sa email system ng Microsoft at iba pang ransomware attacks.

Sa pinagsama-samang mensahe, tinukoy ng America, ilang bansa sa Europa at Asya ang China Ministry of Syaye Security sa paggamit ng criminal contract hackers para magsagawa ng destabilizing activities sa iba’t ibang panig ng bansa para sa personal profit kabilang ang Microsoft hack.

Tahasan ding tinukoy ang China na nasa likod ng ransomware attack laban sa US target na tinukoy ng isang senior administration officials na “large ransom request” na umaabot sa milyong dolyar.

Sa kabila nito, nilinaw ni US President Joe Biden na hindi pa sila hihiling ng sanction sa China dahil hindi pa naman tapos ang imbestigasyon.

Ikinagulat umano ng White House ang mga report ng pag-hire ng Chinese ng mga criminal networks para mang-hack at mag-extort ng pera sa iba’t ibang panig ng mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *