Pagtawag sa NDF bilang terror organization, hahantong sa election rigging – Sison

Naniniwala ang communist leader na si Jose Maria Sison na ang pagbansag ng Anti-Terrorism Council sa National Democratic Front bilang terrorist organization ay para sa kaniyang tinukoy bilang election rigging sa 2022 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag ay ipinaliwanag ni Sison na ang terrorist designation sa NDFP ay magbibigay daan sa Pangulo na manatili sa kapangyarihan kasama ang anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Anya, balak ng Punong Ehekutibo na umiwas sa aresto para sa salang crimes againsts humanity.

Dagdag ni Sison, layon rin ng designation na maharang ang bawat posibilidad na maibalik ang GRP-NDFP peace negotiations sa buong panahon ng pananatili ng Pangulo sa kapangyrihan.

Inihayag rin ni Sison na ang intensyon ng nasabing hakbang ay diumano ay mang-harass, patahimikin, arestuhin, o patayin ang NDFP consultants at resource persons at iba pa na kasama sa peace negotiations.

Binigyang diin ni Sison na tinatarget rin umano nito ang mga peace advocates, mga kritiko, at oposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *