China, naitala ang pinakamataas nitong bilang ng daily COVID-19 cases

Naiulat ng China nitong Martes na nagtala ito ng 5,280 na bagong COVID-19 cases, na higit sa doble ng nakalipas na araw at pinakamataas na daily count nito mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Ayon sa National Health Commission, kasama sa pinakamalalang tinamaan ng virus ay ang northeastern province ng Jilin, na nagtala ng mahigit sa 3,000 kaso.

Ito na ang ika-anim na sunod na araw na nakapag-ulat ang China ng higit 1,000 bagong COVID-19 cases.

Samantala, tinatayang nasa 10 lungsod na sa buong China ang isinailalim sa lock down dahil sa mga napaulat na surge kabilang na ang southern tech hub ng Shenzhen, na tahanan para sa 17-milyong katao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *