5 pulis, kinasuhan dahil sa pagpatay at pagkawala ng ilang negosyante

Inihain ang patong-patong na reklamo laban sa limang pulis na sangkot umano sa pagpatay at pagkawala ng dalawang negosyante.

Kasama sa mga isinampang kaso ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police laban sa limang aktibong pulis ay carnapping, kidnapping and homicide, at kidnapping with serious illegal detention.

Kinilala naman ang dalawang biktima bilang Rodrigo Dueña II at Jaime Faramil, na parehong napaulat na nawawala noong December 29, 2021.

Parehong negosyo ng dalawang biktima ang buy and sell ng mga sasakyan at dapat ay may kikitain silang buy-and-sell agent bago sila napaulat na nawawala.

Natagpuan si Dueña na patay sa Tayabas, Quezon noong December 30, 2021, habang si Faramil ay nanatiling nawawala hanggang ngayon.

Ginamit ng mga imbestigador bilang ebidensya ang mga IDs at personal na pag-aari ng dalawa na narekober sa raid ng impounding area ng PNP-HPG sa Laguna noong February 2022.

Bukod sa limang pulis, ay kinilala rin bilang respondents sa mga reklamo ang tatlong sibilyan na sina William Dagutdot, na ahente umano ng dalawang biktima na dapat ay kikitain nila; Ranilex Mendoza, na nagtatrabaho umano para sa PNP-HPG; at isang hindi kinilalang babae na nakita sa CCTV na ginagamit ang ATM card ng isa sa mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *