Chinese Embassy, pinuna ang panawagan ng American Government na igalang ang international laws sa WPS

Pinuna ng Chinese Embasssy sa Maynila ang panawagan ng American Government na igalang ang international laws at ang legal obligations na itinakda sa 2016 arbitral ruling.

Ito ay kasunod ng mga napaulat na pagkukumpol-kumpol ng mga sasakyang pandagat ng China sa paligid ng Iroquois Reef at Sabina Shoal at ang “unsafe encounter” na pinasimulan ng Chinese Coast Guard sa Philippine Naval forces ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng Chinese Embassy na ang pahayag ni US State Department spokesperson Ned Price ay  walang batayan na mga akusasyon laban sa China na nagtatangkang mag-udyok ng gulo sa pagitan ng China at Pilipinas.

Inakusahan rin ng embahada ang US ng pakikialam sa  South China Sea disputes na lumilikha ng  tensyon at nakakaapekto sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Matatandaang sa isang pahayag, sinabi ni Price na sinusuportahan ng Estados Unidos ang panawagan ng Pilipinas sa China na sumunod sa international law kasunod ng naiulat na presensya ng fishing vessels nito sa West Philippine Sea.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *