Coastal Road Shore Protection Project sa bayan ng Gubat, mariing tinututulan ng Save Gubat Bay Movement

Kasabay ng paggunita ng ika-125 taong Kalayaan ng Pilipinas kahapon, naglabas ng pahayag ang Save Gubat Bay Movement (SGBM) kaugnay sa plano ng pamahalaan na pagtatayo ng Coastal Road/Shore Protection Project na nasasakop ng 13 mga barangay sa bayan ng Gubat.

Ayon kay Allan Espallardo, pangulo ng grupo, anong saysay ng kalayaan kung ang kabuhayan ng mga mangingisda sa bayan ay pinapatay at pinapalayas sila sa lugar na kanilang pinagkakakitaan at kanilang mga tahanan, bukod pa sa masisira din ang coastal ecosystem.

Aniya pa, ang nasabing proyekto ay patunay lamang na ang mga pasimuno nito ay walang pakialam sa masamang epektong idudulot sa mga maaapektuhan at tanging kanilang interes at kapakanan lamang ang pinahahalagahan.

Malinaw naman umano ang motibo ng pagtatayo ng proyekto na bukod sa pag-aaksaya sa pera ng taong bayan dahil sa pagtatayo ng proyektong walang kabuluhan ay mapaboran ang mga may-ari ng malalaking lupa na mabubuksan kapag naisakatuparan na ang nasabing coastal road.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *