Comelec-Sorsogon, nakapagrehistro lamang ng mahigit 1K na bagong botante

Halos 1,875 lamang na indibidwal sa Sorsogon ang nagparehistro bilang mga botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) simula noong Oktubre, ayon ito sa Comelec Region 5.

Sinjabi ng Comelec na may kabuuang 17,975 na residente sa 6 na probinsya ng Bicol ang nag-aplay bilang first-time voters.

Pinakamaraming naitalang registrants ang Camarines Sur na umabot sa 6,027, sinundan ito ng Masbate na may 4,943 habang nagpangatlo ang Albay na may 3,634 registrants, may 863 naman ang naitala sa Camarines Norte at 633 registrants naman sa Catanduanes.

Ang mga Pilipinong may edad 15-17 anyos ay maaaring bumoto sa botohan ng SK habang ang mga may edad 18-30 anyos ay maaaring bumoto para sa Barangay at SK. Ang mga botante naman na may edad 31-anyos pataas ay maaaring lumahok sa Barangay at national elections.

Patuloy naman ang panawagan ng Comelec-Bicol sa mga kwalipikadong indibidwal na magparehistro na dahil tatakbo ang registration hanggang sa ika-31 ng Enero lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *