Comelec tutukan ang voter registration matapos pormal nang maipagpaliban ang BSKE

Ipagpapatuloy ng Commission on Election ang voter’s registration para matiyak ang malaking partisipasyon ng mga mamamayan, matapos na pormal nang naipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, na matapos lagdaan bilang ganap na batas ang Republic Act 11935, at tatalima sila dito.

Kaugnay nito, magpapalabas din ng anunsyo ang Comelec kaugnay sa adjustment ng calendar of activities sa lalong madaling panahon.

Maliban dito, muling irereview ng poll body ang umiiral at planned procurement contracts na may kaugnayan sa BSKE at agad aaksyunan.

Sinabi ni Garcia, na angpagpapaliban sa halalan ay magbibigay sa kanila ng opurtunidad na lalong ma-institute ang education at information programs para sa benepisyo ng electorate at prospective BSKE candidates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *