Zubiri umalma sa pagtawag ng Chinese Embassy na ‘misinformation’ ang tourist blacklisting

Inamin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nasurpresa umano siya sa naging pahayag ng Chinese Embassy na tinawag ang report kaugnay sa tourism blacklisting bilang “misinformation.”

Kaugnay nito, nanindigan si Zubiri sa kanyang pahayag na binanggit ni Ambassador Huang Xilian ang salitang “blacklisting” sa kanilang pulong noong Lunes, pero iginiit na maaring hindi lang tama ang naging “translation.”

Giit din ng Senate President, na mali lang siguro na tinawag na ‘misinformation’ ang kanyang naging pronouncement, dahil lumalabas na parang naging Marites siya, at nagbigay ng fake news.

Dagdag nito, dapat nilinaw nalang ng Chinese Embassy ang naturang pahayag, lalo’t hindi lang naman umano silang dalawa ang nag-usap ni Ambassador Huang Xilian, dahil may iba pang mga nakarinig at kaharap ng Chinese ambassador.

Sa katunayan hiniling pa umano ni Zubiri kay Huang na maibahagi ang naturang impormasyon sa Senate hearing kaugnay sa POGO.

Sa kabila nito, hindi naman hinihingi ng senador ang apology ni Huang, pero hiniling sa Chinese envoy na maglabas ng categorical statement kaugnay sa blacklisting ng mga bansa na patuloy na nagpapahintulot sa offshore gaming operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *