Community plantry sa District 1 Cauayan City, Inilunsad

Ibinida ng Barangay District 1 Cauayan City ang kanilang kakaibang bersyon ng Community Pantry na nagbibigay naman ng libreng buto ng gulay sa mga residente.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Barangay Kagawad Marc De Joya, Committee on Clean and Green and Environment, inilunsad nila ang kanilang Community Plantry: Free Vegetables Seedlings upang bigyan ng karagdagang tulong ang kanilang mga kabarangay.

Ipinwesto ang kanilang Community Pantry sa kanilang Barangay Communal Garden at Barangay Hall kung saan pwede kumuha ng libreng seedlings.

Ilan sa kanilang mga ibinibigay ay okra, kalabasa, patola, mustasa, pechay, upo kangkong, at malunggay na galing sa kanilang communal garden.

Ayon pa kay Kagawad De Joya, bumili ang kanilang barangay ng karagdagang vegetables seeds para sa kanilang itinayong pantry.

Samntala, nagsimulang umarangkada kahapon ang kanilang pagbubukas ng pantry na halos naubos lahat ang kanilang inihandang mga seedlings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *