Constitutional crisis na ibinabala ni Senate Pres. Sotto, sinigundahan ng isang law professor

Sinigundahan ng isang law professor ang babala ni Senate President Tito Sotto na posibleng magkaroon ng constitutional crisis sakaling ipatigil ng Supreme Court ang canvassing para sa pagka-presidente at bise presidente.

Paliwanag ni Atty. Clark Edward Uytico nakalagay sa Philippine Constitution na tungkulin ng Congress ang pagcanvass ng boto sa Presidente at Vice Presidente.

Dagdag pa nito nakasaad din umano sa konstitusyon na ang canvassing ay dapat isagawa sa loob ng tatlumpong araw pagkatapos ng halalan.

Ang proklamasyon ng Pangulo ay dapat gawin bago ang Hunyo 30— itinatadhana ng Konstitusyon na ang termino ng Pangulo ay dapat magsimula sa tanghali ng ika-30 ng Hunyo.

Kapag hindi magproklama ng Pangulo sa naturang mga petsa sinabi ni Uytico na tiyak na magkakaroon ng grave violation ng Constitution.

Leave a Reply

Your email address will not be published.