Controlled numbering system ipinatutupad na sa pagbabakuna sa Naga City

NAGA CITY- Nagpapatupad na ng controlled numbering system ang Naga City sa Mega Vaccination facility na Jesse M. Robredo o JMR coliseum para sa mga nasa A1, A2 at A3 priority group. 100 bawat oras ang kayang i-accommodate nang hindi nag sisiksikan.

Nakikita rin na sa isang araw kaya nang maturukan ang 1,000 katao, sa katunayan noong Hulyo 6,  936 ang nakatanggap ng bakuna. Bukod sa Camarines Sur Medical Society nakatuwang na rin ng mga health personnel sa Naga ang vaccination team ng Bicol Medical Center.

Una nang kinumpirma ni Mayor Nelson Legacion ang pagtanggap ng walk-in basta kasama sa priority A2 hanggang A3. Ngunit wala munang pagbabakuna ngayong araw dahil naubos na ang huling naibabang 5-libong doses ng DOH.

Samantala ang lungsod ay may dagdag pang 5,000 vials ng bakuna. Dumating ito sa Legazpi Airport kahapon.Iaanunsyo ng Naga ang susunod na schedule ng mga nagparehistro na online at manually.

Ang Naga ay isa sa mga prayoridad ng pamahalaan ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine pa ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *