Mobile Vaccination sa A2-A3 category pinayagan sa mga barangay-DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Dr Rita Mae Ang Bon, Covid-19 Vaccination Coordinator ng Department of Health (DOH) Bicol na maaaring magsagawa ng temporary vaccination site sa mga barangay.

Ayon kay Bon, base sa polisiya ng DOH 2021-0286 ay pinayagan ng tanggapan ang pagsasagawa sa mga barangay ng pagbabakuna para sa mga senior citizen at individual with comorbidity.

Aniya, malaking tulong din ang gagawin na vaccination sa mga barangay upamg mapabilis ang pagbabakuna lalo na sa mga A2 at A3 priority group.

Dahil dito mababawasan na rin ang pagsisiksikan o pilahan sa vaccination site area ng bawat Local Government Unit (LGU).

May mga barangay din umano na marami ang bilang ng mga senior citizen at may mga individual na comorbidity na hindi na nakakatayo o nakahiga na lamang ito kung kayat hindi na makakapunta pa sa vaccination area.

Sa ngayon ay aabot pa lang 54, 064 ang nababakunahan sa unang dose ang mga senior citizen habang 32 864 ang naturukan na sa unang dose na individual with comorbidity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *