Cory Aquino Boulevard magbebenepisyo sa bagong pasinayang Phase 1 Extension Line Project

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Camarines Norte Water District (CNWD) at Primewater na malaking tulong ang bagong pasinayang Phase 1 Extension Line Project mula sa barangay San Jose, Talisay patungong Bagasbas sa bayan ng Daet.

Ayon kay Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda II,  maglalagay din umano sila ng boundary valves para di  umikot ang tubig pabalik sa centro.

Sa Inaugural Program noong Miyerkules iprinisenta ni Muroda ang tungkol sa proyekto at ipinaliwanag ang magiging benepisyo nito.

Ang proyekto umanong ito ay isa lamang sa mga improvement projects na nakalinya at ipapatupad ngayong taon.

Mayroon pa umanong paparating na mga improvement at developmental projects upang iangat ang kalidad ng serbisyong patubig sa mga konsyumer.

Kung maalaa ay mainit ding pinag usapan kamakailan ang tungkol sa hirit na tariff increase ng kumpanya para sa karagdagdang pondo sa implementasyon ng mga proyekto.

Ang bagay umanong ito ay nakapaloob naman sa nilang daang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng kumpanya at CNWD.

(photo: PRIMEWATER CAMARINES NORTE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *