COVID-19 antibodies, tumatagal ng 8 buwan matapos ang infection ayon sa ilang pag-aaral

Natuklasan ng mga Italian researchers na tumatagal ang antibodies laban sa coronavirus sa dugo ng mga pasyente na nagkaroon ng COVID-19 sa loob ng tinatayang walong buwan mula sa panahon ng infection.

Sa isang pahayag mula sa San Raffaele hospital sa Milan ay sinabi nito na makikita ang presensya ng anti-bodies sa mga pasyente sa kabila ng severity ng kanilang karamdaman, edad, o presensya ng iba pang pathologies.

Pinagaralan ng mga researchers, kasama ang ISS national health institute ng Italy, ang nasa 162 pasyente na may symptomatic coronavirus na itinakbo sa emergency room sa gitna ng first wave ng infections noong nakaraang taon.

Kinuha ang mga blood samples ng mga pasyente na nakaligtas sa COVID-19 sa pagitan ng Marso at Abril, at ginawa ito muli noong katapusan ng Nobyembre.

Nasa 29 mula sa 162 pasyente na sinuri ang pumanaw.

Iginiit ng pagamutan na persistent ang presensya ng neutralizing antiodies sa kabila ng pagkonti nito sa katagalan ng panahon.

Binigyang diin rin sa pag-aaral, na naka-publish sa Nature Communications scientific journal, ang kahalagaan ng development ng antibodies sa pag-recover mula sa coronavirus.

Ipinunto nito na mas malaki ang risk na makapag-develop ng severe forms ng COVID-19 ang mga pasyente na bigong makapag-produce ng anti-bodies mula sa unang labing-limang araw ng infection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *