COVID-19 cases sa Metro Manila, bumaba ng 9 % – OCTA

Bumaba ng 9 percent ang COVID-19 cases sa Metro Manila habang nananatili sa below 1 ang reproduction number sa rehiyon.

Batay sa latest monitoring report ng OCTA Research Group, mayroong 667 average daily new COVID-19 cases per day sa National Capital Region (NCR) mula June 21 hanggang 27, mas mababa sa 731 cases per day na naitala mula June 14 hanggang 20.

Ang reproduction number naman sa Metro Manila ay nasa 0.80 mula June 21 hanggang 27, bahagyang mas mataas sa 0.71 mula noong nagdaang linggo.

Mababatid na ang reproduction number ay ang average number ng cases na pwedeng mahawa mula sa isang positive case. Sa buong bansa, ang reproduction number mula June 12 hanggang 27 ay 0.92.

Kaugnay nito, iniulat din ng OCTA na ang positivity rate o percentage o positive test results mula sa lahat ng isinagawang tests, nananatiling 7 percent sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.

Pagdating naman sa healthcare utilization, nagtala ang NCR ng 36 percent hospital bed  occupancy, 45 percent ICU bed occupancy, at 32 percent mechanical ventilator occupancy- lahat ay nasa safe levels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *