COVID UPDATE: Panibagong highest single day case ngayong araw sa Bicol, naitala; total cases pumalo na sa 10.5k

BNFM BICOL—Naitala ngayong araw ng Linggo ang highest single day COVID-19 cases sa Bicol region na pumalo sa 206. Bunsod nito, sumipa na sa 10,555 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon at tumaas din sa 2,921 (27.67%) ang aktibong kaso.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 116. 29 nito ay mula sa Naga City, 26 sa bayan ng Pili, 12 sa bayan ng Camaligan, pito sa Iriga City, anim sa bayan ng Tinambac, tiglilima ang mga bayan ng Baao, Bato at Nabua, apat sa bayan ng Sipocot, tatlo sa bayan ng San Jose, tigdadalawa ang mga bayan ng Goa, Minalabac at San Fernando at tig-iisa ang mga bayan ng Bombon, Buhi, Canaman, Lupi, Milaor, Ocampo, Sagñay at Tigaon.

Sumunod sa may mataas na bagong kaso ang Albay na nagtala ng 49 kung saan 23 nito ay mula sa Legazpi City, lima sa bayan ng Manito, apat sa bayan ng Daraga at Guinobatan, tatlo sa bayan Libon at Polangui, dalawa sa bayan ng Oas at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Pio Duran, Tiwi at lungsod ng Ligao.

30 bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan 20 nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Casiguran, tigdadalawa ang mga bayan ng Castilla, Juban at Pilar at isa sa bayan ng Bulan.

Sampong kaso naman ang nadagdag sa Catanduanes kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Baras, dalawa sa bayan ng Virac at tig-isa ang bayan ng Bato at San Miguel.

Mayroon namang isang nagpositibo mula sa labas ng Bicol, galing ito sa Antipolo City, Rizal. Habang zero new case ang Camarines Norte at Masbate.

Samantala, 19 na bagong recoveries ang nadagdag kung kaya pumalo na sa 7,259 (68.77%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon. 13 nito ay mula sa Sorsogon, apat sa Catanduanes at dalawa sa Camarines Norte.

Tatlong bagong pagkasawi naman ang naitala na mula sa Naga City, Sorsogon at Albay. Bunsod nito, pumalo nasa 372 ang total death toll sa COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *